top of page

Entry 001

Dear Diary,

​

    It is been what? A year since Blaze is in coma and we are not giving up. Nakikita ko si Kelvin na nahihirapan na pero ayaw niyang sumuko dahil hindi lang naman kaming dalawa, nandito rin si Kaye. Natatakot na nga ako kay Kaye dahil kahit ilang taon pa lang siya ay natatandaan niya pa rin ang nangyari ng araw ng kasal namin ni Kelvin. I mean, noon una akala namin ay dahil sa bago pa lang ang nangyari pero ngayon tanda pa rin niya. Minsan nga ay kumakatok pa siya sa kwarto namin ni Kelvin kasi nanaginip raw siya at natatakot siyang wala kami sa tabi niya.

​

    Gusto namin siyang ipa-child psychology dahil ayaw naming habang buhay niyang maalala ang nangyari ng araw na iyon. Kahit kami na lang ni Kelvn ang makaalala ayos lang sa akin.

​

    Ito pang pinoproblema ko dahil si Dad gusto na ipasa niya sa akin ang pagiging GD-France leader kapag nasa grade 4 na si Kaye. Like, hello! Paano si Blaze, kailangan niya kami. Pero syempre hindi ko masabi iyon kay Dad dahil kahit naman ayaw namin sumuko kung susuko ang panganay ko wala akong magagawa. Minsan gusto ko ng magbreakdown pero hindi ko magawa dahil laging nakabuntot sa akin si Kaye.

 

    Tulad na lang ngayon, habang sinusulat ko ito si Kaye nakikipag-away kay Dora dahil bakit raw hindi makita yung tinuturo niya. Maliit pa ko danyan na si Dora syempre hanggang sa panahon niya ganun yun. Kahit sabihin ko sa kanya na ilipat na lang niya ng channel kung naiinis siya kay Dora dahil hindi nakikinig siya kanya ayaw niyang gawin. Hay, mana sa daddy niya.

​

    I hope na matapos na itong kalbaryo namin dahil hindi ko alam kung gaano ako katagal tatagal.

​

- Princess Sofie Grey Tyler Smith

Send a Message!

©2023 by Dandelle Georgina Official Website created Erika Irene and DF Miguel

bottom of page